Habang nagpaplano ang Pilipinas ng ambisyosong offshore wind pipeline, nagbabala ang pinuno ng enerhiya tungkol sa magastos na pagpapatayo ng imprastruktura

Inihahanda ng Department of Energy ang kauna-unahang offshore wind auction, kasabay ng roadmap para sa pagpapalawak ng kapasidad ng bansa. Ngunit sinabi ni Sharon Garin na hindi pa handa ang Pilipinas na mag-supply sa Asean Power Grid.

Sharon Garin (Tagalog version)
Si Sharon Garin, kalihim ng enerhiya ng Pilipinas, ay nagsalita sa isang panel tungkol sa kung paano pinapalakas ng gobyerno at negosyo ang mga aksyon sa polisiya upang maabot ang peak emissions. Imahen: NZCA

Read in English

Ang Pilipinas ay naghahanda upang makamit ang mga layunin nito sa renewable energy sa pamamagitan ng paggamit ng offshore wind power gamit ang green energy auction programme, ngunit babala ni Energy Secretary Sharon Garin, magiging magastos ang transisyong ito.

Sa kanyang pananalita sa isang panel sa Net Zero Carbon Alliance conference noong Huwebes, sinabi ni Garin na ang pagpapalawak ng offshore wind capacity ng bansa ay mangangailangan ng malaking pagpapatayo ng mga pasilidad ng pantalan, dahil dalawa lamang ang gumaganang port sa buong kapuluan sa kasalukuyan. Mahalaga ang maayos na mga pasilidad sa pantalan upang maging maayos ang transportasyon, instalasyon, at maintenance ng mga offshore wind turbine o wind farm.

“Kailangan pa natin ng mas maraming [pantalan] sa kaya’t may gastos ito. Magastos ang transition. Hindi ito libre,” sinabi ni Garin sa humigit-kumulang 500 kinatawan mula sa gobyerno at pribadong sektor.

Ang ikalimang round ng Green Energy Auction Programme (GEAP) na itinakda sa pagtatapos ng taon ay nakalaan para sa offshore wind at tinatayang magdadagdag ng 3.3 gigawatts (GW) ng bagong kapasidad sa energy mix ng bansa, na may delivery ng enerhiya na magsisimula sa pagitan ng 2028 at 2030.

Ang GEAP ay sinimulan noong 2022 upang gawing kompetitibo ang procurement ng renewable energy supply sa Pilipinas. Isa ito sa mga polisiya upang matulungan ang bansa na makamit ang mga layunin sa ilalim ng renewable energy plan nito, kabilang ang target na makamit ang 50 porsiyentong renewable energy sa 2040.

Kailangan pa natin ng mas maraming [pantalan] kaya’t may gastos ito. Magastos ang transisyon. Hindi ito libre.

Sharon Garin, Kalihim, Department of Energy

Noong Hunyo, naglathala din ang Department of Energy (DOE) ng roadmap para sa mga offshore wind project upang matiyak na hindi maaantala ng permit bottlenecks ang hangarin ng bansa na maabot ang higit 178GW ng potensyal na kapasidad.

Inaasahang lalaki ang kapasidad ng offshore wind ng Pilipinas mula sa kasalukuyang 67GW pipeline patungo sa operasyon na maaaring umabot ng 8.5 GW pagsapit ng 2034 at hanggang 50GW pagsapit ng kalagitnaan ng siglo, ayon sa pinakabagong estima ng international trade association na Global Wind Energy Council (GWEC).

Maaaring pondohan ang offshore wind sa bansa sa pamamagitan ng pagsasalo ng risk sa pagpopondo, ayon sa bagong ulat ng GWEC. Kabilang sa mekanismong nabanggit ang pag-aayos ng taripa depende sa inflation upang maprotektahan ang mga mamumuhunan mula sa pagbabago-bago ng presyo na maaaring makaapekto sa kita, pagkuha ng mas malawak na suporta mula sa gobyerno upang mabawasan ang political at regulatory risk, pati na rin ang pagkakaroon ng concessional financing mula sa mga development bank.

Tumutulong din ang ibang pamahalaan sa Asia Pacific na bawasan ang panganib para sa mga mamumuhunan sa offshore wind. Sa South Korea, ipinasa ang isang batas upang lumikha ng “one-stop shop” para sa offshore wind projects upang mapadali ang pagkuha ng permit at proseso ng lisensya. Noong isang taon, nagsimulang mag-isyu ang Japan ng climate transition bonds at nagtakda ng layuning magbigay ng 20 trilyong yen (US$140 bilyon) na suporta para sa green transformation, habang pinalakas ng Vietnam ang ambisyon nito sa offshore wind sa pamamagitan ng updated national power plan.

‘Hindi pa handang mag-export’

Sa kabila ng potensyal ng offshore wind sa bansa, “masyado pang maaga” para ito ay mag-ambag sa regional power grid, ayon kay Garin sa parehong panel.

Inaaral ang mga pantalan sa Mindoro, Panay, Batangas upang magamit at suportahan ang offshore wind energy industry. Gayunpaman, hangga’t hindi natatapos ang mga upgrade na ito, hindi pa maaaring i-export ang sobrang renewable energy sa mga karatig-bansa gamit ang Asean Power Grid.

Port of Batangas in Sta. Clara, Batangas City

Ang Port of Batangas sa Sta. Clara, Lungsod ng Batangas ay isa sa mga pantalan na pinag-aaralan upang isulong ang pag-unlad ng mga proyekto ng offshore wind energy ng bansa sa pamamagitan ng modernisasyon ng imprastruktura nito. Imahen: Yodisphere

Ang Port of Batangas sa Sta. Clara, Batangas City ay isa sa mga port na pinag-aaralan upang mapalago ang pag-unlad ng mga proyektong offshore wind energy ng bansa sa pamamagitan ng modernisasyon ng imprastruktura nito.

Sinabi ni Garin na maraming natanggap na “proposals” ang DOE para mag-export ng offshore wind energy, kabilang mula sa Singapore.

Ang Singapore ay bahagi ng unang multilateral cross-border electricity trade na isinagawa ng mga Asean country noong 2022. Ipinakita ng Lao PDR-Thailand-Malaysia-Singapore Power Integration Project (LTMS-PIP) na posible sa teknikal at komersyal ang cross-border trade, na umangkat ng humigit-kumulang 100 megawatts (MW) ng renewable hydropower mula Laos papuntang Singapore sa pamamagitan ng Thailand at Malaysia gamit ang umiiral na mga interconnection.

“Napakaraming geopolitical complications pero may potensyal [para mag-export ng enerhiya sa Singapore]. Kailangan natin ng batas at mga polisiya,” ani Garin.

Like this content? Join our growing community.

Your support helps to strengthen independent journalism, which is critically needed to guide business and policy development for positive impact. Unlock unlimited access to our content and members-only perks.

Most popular

Featured Events

Publish your event
leaf background pattern

Transforming Innovation for Sustainability Join the Ecosystem →